Recent Posts

Breaking News

COVID case sa bansa, umakyat sa 228K

Tumaas sa 228,403 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes.

Ayon sa Department of Health (DOH), 1,987 ang bagong tinamaan ng naturang sakit mula sa 91 laboratoryo sa bansa.

Karamihan sa mga kaso ay mula sa NCR na may 818, sunod ang Cavite na may 154, Laguna na naitala sa 125, Negros Occidental na nadagdagan ng 122 at 78 naman mula sa Rizal.

Naitala naman sa 159,475 ang total na gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 880.

Habang bahagyang tumalon ang death toll sa 3,688 sa 65 bagong nasawi sa virus.

The post COVID case sa bansa, umakyat sa 228K first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-case-sa-bansa-umakyat-sa-228k/)

Walang komento