Recent Posts

Breaking News

COVID-19 survivor worldwide, 18M na

Tumalon na ang kabuuang dami ng mga tao sa mundo na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 sa 18,040,720.

Ayon ito sa COVID-19 Dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU), Lunes ng umaga.

Nangunguna sa listahan ang Brazil na may 3.5 milyong recovery, sinundan ng India sa 3.1 milyon, at Estados Unidos sa 2.3 milyon.

Samantala, sumirit na sa 26,980,731 ang mga nahawa habang 881,314 naman na ang namatay sa daigdig dahil sa COVID-19.

Sa Pilipinas, 237,365 na ang tinamaan ng naturang sakit.

Kabilang doon ang 184,687 na nakarekober at ang 3,875 na ginupo ng virus.

The post COVID-19 survivor worldwide, 18M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-survivor-worldwide-18m-na/)

Walang komento