Recent Posts

Breaking News

Cool daddy! Angara talo sa pustahan, todo push-up

Tawang-tawa ang mga netizen nang masaksihan si Senador Sonny Angara na kumpletuhin ang 50 push-up sa loob ng kanyang bahay.

Kuwento niya sa Instagram, natalo siya sa pustahan tungkol sa NBA Playoffs 2020.

“Lost the bet again to the fake Heat fan,” ani Angara kahapon.

“50 push ups but WAIT UNTIL THE END,” saad niya pa.

Sa 1-minutong video, makikitang paangat nang paangat ang katawan ng senador habang kinukumpleto ang parusa.

Matapos ang push-ups ay hinubad ni Angara ang Miami Heat shirt upang ipakita ang suot niya pang Boston Celtics jersey.

Naaliw ang mga netizen sa IG video.

“Hahahahaha this was so entertaining”

“Cool daddy senator! 👏👏👏👏😂

“Hahahahahaha cuteeee mo po Sen 😍😍😂

“Parusa! Wawa naman idol ko… Lampaso…”

The post Cool daddy! Angara talo sa pustahan, todo push-up first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cool-daddy-angara-talo-sa-pustahan-todo-push-up/)

Walang komento