Recent Posts

Breaking News

Convoy ni Pemberton patungo na sa NAIA

Lumabas na sa Camp Aguinaldo ang puting van na pinaniniwalaang maghahatid kay American convicted killer Joseph Scott Pemberton sa kanyang deportasyon.

Napaulat na ang convoy ay patungo na sa Ninoy Aquino International Airport ngayong Linggo ng umaga, Setyembre 13.

Ngayong araw inaasahang lumipad papuntang Estados Unidos si Pemberton na ginawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Pemberton ang ang sundalong Kano na pumatay kay Filipino transgender woman Jennifer Laude noong 2014.

Sinentensiyahan siyang makulong nang hanggang 10 taon pero pinagdesisyunan ng korte sa Olongapo na pwede na itong makalaya dahil sa good conduct time allowance.

Pinalagan ito ng pamilya Laude at naghain ng motion for reconsideration, ngunit hindi rin napigilan ang paglaya ng Kano matapos bigyang-pardon ni Duterte.

The post Convoy ni Pemberton patungo na sa NAIA first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/convoy-ni-pemberton-patungo-na-sa-naia/)

Walang komento