Recent Posts

Breaking News

Clinical trial para sa bakuna vs. COVID abot nang 18 buwan

Sa Pilipinas, nakatakdang magsimula ang mga clinical trial ng World Health Organization para sa posibleng coronavirus vaccine sa Oktubre.

Ayon pa sa Department of Health (DOH) kahapon, magtatagal ito nang 18 buwan.

“The duration of this Solidarity trial for vaccines would be 18 months, wika ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing, Setyembre 16.

“The expected start — though we say that this is tentative because things might change — would be the 3rd week of October,” aniya pa.

Samantala, ang kabuuang aprubadong badyet na P89.1 milyon ay para lang aniya sa operational expenses gayong sagot ng WHO at ng mga vaccine manufacturer ang mga bakuna.

The post Clinical trial para sa bakuna vs. COVID abot nang 18 buwan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/clinical-trial-para-sa-bakuna-vs-covid-abot-nang-18-buwan/)

Walang komento