Recent Posts

Breaking News

Cimatu giniit: Ligtas ang dolomite sa Manila Bay

RP

Nagsalita na si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa mga isyung pinupukol kaugnay ng pagiging ligtas sa kalusugan ng pininong dolomite rock na nilagay sa Manila Bay.

Sa pagdinig sa Kongreso para sa DENR budget, sinabi ni Cimatu na ligtas ang mga bato na nasa Manila Bay.

“It is not listed by the Mines Safety and Health Association, Occupational Safety and Health Association or even in the International Agency for Research Of Cancer as a carcinogen,” saad ni Cimatu.

“What is hazardous is the fine silica quads in some dolomite in the form of dust that is generated during crushing and screening,” aniya pa.

Giit pa ni Cimatu, mas mabigat sa hazardous particle na 10 hanggang 15 micron ang ikakalat sa Manila Bay, na ibig sabihin ay hindi ito malalanghap sa ere.

“Public beach using dolomite is in Dalaguete, Cebu, that for the last six years, no issues or complaints were raised also,” sambit pa ng kalihim.

Matatandaan na sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na pwedeng magdulot ng respiratory illness ang naturang mga bato pag nalanghap.

“‘Yung dolomite dust, it can cause respiratory issues or effects to a person. Kapag napunta sa mata, nagkakaroon ng irritation so you just have to wash it off with water,” saad ni Vergeire nitong Lunes.

The post Cimatu giniit: Ligtas ang dolomite sa Manila Bay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cimatu-giniit-ligtas-ang-dolomite-sa-manila-bay/)

Walang komento