Recent Posts

Breaking News

Chua: Ayo walang lugar sa Letran

Kinontra ni Alfrancis Chua ang mga naglalabasang rumor na posibleng bumalik si Aldin Ayo sa Letran matapos ang napabalitang pagbibitiw nito bilang head coach ng UST Growling Tigers.

Saad ni Chua, na special assistant ng Letran rector for sports development, hindi makakaupo bilang head coach si Ayo habang siya ay may posisyon sa naturang unibersidad.

“Not under my umbrella. No way,” giit ni Chua, na sports director din ng San Miguel Corp.

“Baka sa ibang Letran papunta coach nila. Iisa lang Letran ang alam ko at ang coach dun si Bonnie Tan,” lahad pa nito.

Noong 2015, nagkampeon ang Letran sa pagtitimon ni Ayo sa kanyang unang stint bilang coach para sa koponan, ngunit agad din itong lumipat sa UAAP nang kunin ng La Salle Green Archers.

Nasangkot sa kontrobersya si Ayo matapos na pumutok ang balita na nag-training umano ang hinahawakan niyang Growling Tigers sa Sorsogon, ang kanyang hometown, sa kabila ng quarantine protocol.

The post Chua: Ayo walang lugar sa Letran first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chua-ayo-walang-lugar-sa-letran/)

Walang komento