Recent Posts

Breaking News

CHED: Dahil inusog ang klase, Christmas break pwedeng alisin

Dahil in-adjust ng mga paaralan ang kani-kanilang academic calendar dulot ng pandemyang COVID-19, maaari na nilang alisin ang summer o Christmas break, o maging ang hindi pagkakaroon ng klase sa weekend.

Sinabi ito ni Commission on Higher Education chairperson Prospero de Vera noong Biyernes, Setyembre 11.

“‘Yung Christmas break after the second week of December, you put a Christmas break because students have to go home, [but] they’re not going home. They’re already at home,” ani De Vera sa isang ambush interview matapos ang inspeksiyon sa COVID-19 response ng Malabon City.

“Isa pa kasing worry ng mga schools is ‘yung may summer break. Edi tanggalin mo yung summer break, mag-2 semesters ka ng school year. No more summer,” saad niya pa.

Nang tanungin naman kung pabor pa siya na magsagawa rin ng klase ang mga pamantasan at kolehiyo kahit weekend, kabilang ang Linggo, um-oo ang CHED head.

“Kasi nga, flexible ka. Hindi ka naman every day, 8-9 a-attend ng klase. ‘Yung iba, twice a week lang magme-meet because everything now is done on a flexible manner,” sambit niya pa.

Sinabi ito ni De Vera kasunod ng mga panawagan ng mga estudyante na “luwagan” ang academic year upang makapag-adjust sila sa pag-aaral sa bahay.

Samantala, una nang tinanggihan ng Department of Education ang kampanyang “academic freeze”, o ipagpaliban muna ang school year hanggang hindi pa kontrolado ang COVID-19 pandemic sa bansa.

The post CHED: Dahil inusog ang klase, Christmas break pwedeng alisin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ched-dahil-inusog-ang-klase-christmas-break-pwedeng-alisin/)

Walang komento