Recent Posts

Breaking News

Cayetano lasing sa kapangyarihan – Trillanes

“Drunk with power, delusional, pathological liar, or all of the above?”

Ito ang tanong ni dating Senador Antonio Trillanes sa publiko bilang pagpapatusada na rin kay Speaker Alan Peter Cayetano matapos nitong akusahan ang European Union nang pakikiaalam sa affairs ng gobyerno ng Pilipinas.

“The Philippine House of Representatives takes exception to the outright interference of the European Parliament in the purely domestic matters of the Philippines by dictating on the government ‘to renew the broadcast license’ of ABS-CBN and to ‘drop’ the cyberlibel charges against Maria Ressa,” sabi ni Cayetano sa kanyang Facebook post noong Sabado.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag bilang reaksiyong pinagtibay ng European Parliament noon Huwebes na nagpapahayg na pagkabahala sa “deteriorating level of press freedom” sa Pilipinas.

Nagbata pa si Cayetanoi sa European Partliament na maaaring magpataw ang Pilipinas ng economic saction sa bansang kabilang sa grupo dahil sa pakikialam nila sa affairs ng pamahalaan.

“Sa ating mga kaibigan sa European Parliament, may kasabihan kami dito sa Pilipinas na bilog ang mundo. The day will come – itaga ninyo sa bato – that the Philippines will be in a position to impose economic sanctions on your countries,” sabi pa ni Cayetano.

Hindi naman nagustuhan ng netizen ang pahayag na ito ni Cayetano na anila’y isang uri ng pagmamayabang sa European Parliament.

“Mr. Alan Peter Cayetano what kind of reasoning & principles do you have? First, be introspective in all your words. Second, humility is the origin of all virtues. Wag mag yabang huh! Second, the poor cannot be choosy. Pray that the Philippines is already rich,” ayon sa Twitter user na si @eimorpsantos

Sabi naman ni @Setsuna F. Seiei, “Pinagsasasabi netong bobong si Cayetano, kapal ng mukha mo, hindi tsyo ksilsngsn ng EU sa parehong paraan na kailangan natin sila, wag kang arogante. What you are is nothing but a spec of dust, a fly at the back of an elephant”

Giit naman ni Twitter user @eimorpsantos, “APC, that’s only gonna happen once corruption is minimised, if not totally eradicated which unfortunately is a total opposite of what we are experiencing nowadays, corruption is rampant in various government agencies. Mga walang hiya karamihan ng mga nasa gobyerno!”.

Sabi naman ni @daphine3, “Taga mo rin sa bato Alan Peter Cayetano… Bilog ang mundo… Babalik sa iyo lahat ng kasinungalingan mo at pagikot sa batas para sa sarili nyong kapakanan. Basura mo, babalik sa iyo.”

The post Cayetano lasing sa kapangyarihan – Trillanes first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cayetano-lasing-sa-kapangyarihan-trillanes/)

Walang komento