Recent Posts

Breaking News

Cargo ship na may sakay na 39 Pinoy naglaho sa Japan

Isang Pinoy seaman ang tanging survivor ng lumubog na cargo ship matapos hindi gumana ng engine nito at habang may bagyo malapit sa Japan, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Bitbit ng Gulf Livestock 1 cargo ship ang 43 nitong crew at nasa 5,800 baka nang naglabas ito ng distress call, Setyembre 2, sa bandang 185 kilometers kanluran ng Amami Oshima island ng Japan.

Ayon kay Sareno Edvardo, ang 45-anyos na Pinoy survivor ng barko, huminto sa paggana ang isa sa mga engine ng barko. Pagkatapos, humampas aniya ang isang malaking alon na nagpatumba sa cargo ship.

Sabi ni Edvardo, matapos ang warning announcement ng barko ay nagsuot siya ng life jacket at tumalon sa dagat.

Wala aniya siyang nakitang ibang crew member hanggang sa panahong mailigtas na siya ng Japanese Coast Guard.

Walang ibang detalye ukol sa kailan at saan lumubog ang barko.

Samantala, nawawala pa rin ang 42 crew member: 38 ang Pilipino, dalawang New Zealander, at dalawang Australian.

Napaulat na nakikipagtulungan na ang DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs at ang Philippine Overseas Labor Office sa Osaka sa local manpower agency Korpil Ship Management and Manning Corporation, na nag-asikaso ng employment ng mga Pinoy seafarer.

Binaybay ng Typhoon Maysak ang East China Sea ngayong linggo at nag-landfall na nitong Huwebes sa South Korea.

The post Cargo ship na may sakay na 39 Pinoy naglaho sa Japan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cargo-ship-na-may-sakay-na-39-pinoy-naglaho-sa-japan/)

Walang komento