Recent Posts

Breaking News

Cardinal Tagle posibleng nahawa sa airport, sinakyang eroplano – CBCP

Nagnegatibo umano sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle sa Roma, bago ito payagang makalipad papuntang Pilipinas.

Kaya naman, sabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines acting president Bishop Pablo Virgilio David, maaaring nadapuan ng coronavirus si Tagle sa sinakyan nitong eroplano o sa paliparan paglapag nito sa bansa.

Maaari aniyang hindi matanggihan ng kardinal ang mga taong bumabati sa kanya pagdating sa Maynila, lalo ang mga overseas Filipino worker.

“He tested negative in Rome last September 7 precisely to be allowed to make the trip to Manila. In all likelihood, he may have picked up Covid-19 right at the airport or in the airplane,” sabi ni David sa CBCP circular na may petsang Setyembre 12.

“He probably could not avoid being greeted by people, especially OFWs, who recognized him at the airport or inside the plane,” aniya pa.

Sabi ni David, asymptomatic si Tagle o walang nararanasang sintomas ng COVID-19. Nagpapagaling din ito habang naka-isolate.

Sa ngayon, 5 obispong Pinoy na aniya ang nahawa sa coronavirus: si Tagle, ang mga pumanaw na sina Bishop Manuel Sobreviñas at Archbishop Oscar Cruz, at ang mga gumaling na sina Bishop Broderick Pabillo at Bishop Deogracias Iñiguez.

The post Cardinal Tagle posibleng nahawa sa airport, sinakyang eroplano - CBCP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cardinal-tagle-posibleng-nahawa-sa-airport-sinakyang-eroplano-cbcp/)

Walang komento