Recent Posts

Breaking News

Butler kakayod sa Conference finals

Ngayong pasok na sa 74th NBA 2019-20 Eastern Conference finals ang Miami Heat, inaasahan na muling pangungunahan ni swingman Jimmy Butler ang koponan sa kanilang susunod na misyon.

Winakasan nitong Nitong Miyerkoles (Manila time) sa Game 5 ng Heat ang karera ng Milwaukee Bucks sa liga, 103-94, sa league bubble sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

“It means a lot,” sambit ni Butler, may 17 points, 10 rebounds, at six assists sa 4-1 win kontra Bucks.

“But like you said, that’s not my goal. That’s not my guys’ goal. It’s not the organization’s goal. We want to win it, win a championship, and I think that’s what we’re focused on. These next eight are going to be much harder than the previous eight. We know that, but we’re ready,” punto pa ng 30-year-old, 6-foot-7 baller.

The post Butler kakayod sa Conference finals first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/butler-kakayod-sa-conference-finals/)

Walang komento