Recent Posts

Breaking News

Bulldogs nakabingwit ng mga ‘afam’

Naubusan man ng bala ang NU Bulldogs nang magsilipatan sa ibang koponan ang mga Bullpup, may paparating naman silang bagong pangkasa.

Nasungkit ng Jhocson-based squad ang dalawang Fil-Foreign cagers na sina Patrick Ramos at magkapatid na Terence at Alfonso Crisostomo.

Si Fil-Am guard Ramos ay naglaro ng tatlong taon para sa UC Santa Cruz. Ngayong nasa NU na ito ay maaari pa rin siyang maglaro ng dalawang taon simula Season 84.

Si Fil-Canadian Terence naman ay mula sa Old College in Alberta at makakapag-ambag pa ito sa koponan ng tatlong taon habang ang utol nitong si Alfonso ay kaka-graduate lang ng high school kaya limang taon pa itong makakaariba.

The post Bulldogs nakabingwit ng mga 'afam' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulldogs-nakabingwit-ng-mga-afam/)

Walang komento