Recent Posts

Breaking News

Bugoy, EJ Laure nilantad na ang anak

Ngayong pandemic, hindi na namamalayan ng mga tao ang bilang sa kalendaryo at mas lalong hindi makapaniwala sa bilis ng panahon ang mga netizen nang makita ang birthday entry ni dating SCQ Kid Quest at Hashtag member Bugoy Carino.

Nag-18 na taon na kasi siya nitong Huwebes at bilang pagpapasalamat sa lahat ng bumati sa kanya at mga biyayang natatanggap niya, nagbahagi siya ng litrato.

Kasama niya roon ang kanyang mini-family: his partner na si volleyball player EJ Laure, at ang anak nila na si Scarlet.

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapin ko pong itaguyod ang blessing na ito.

Thank you for your unending support. i love you both mommy EJ and baby scarlet,” batid pa ni Bugoy.

Bumuhos man ang pagbati ng happy birthday at mabubuting salita sa kanya, hindi pa rin nawala ang ilan na may kung anu-ano pang nasabi.

“Before, todo-deny pa sila. Tapos ipa-public din pala,” ang karamihan sa mga komento sa family picture na nilabas ni Bugoy sa kanyang birthday.

The post Bugoy, EJ Laure nilantad na ang anak first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bugoy-nilantad-na-ang-anak1/)

Walang komento