Recent Posts

Breaking News

Boses sa likod ng iconic MTRCB spiel nakilala na

Binunyag ni Inka Magnaye ang mukha sa likod ng boses ng kilalang MTRCB announcement: ang kanyang tita.

Sa TikTok video na tinweet ni Inka, makikita ang pagbigkas ng kapatid ng kanyang tatay ng anunsiyo sa simula ng mga palabas sa telebisyon.

“Ang programang ito ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. May maseselang tema, lengguwahe, karahasan, droga, horror na hindi angkop sa mga bata.”

Kanya-kanya namang hirit ang mga netizen tungkol sa kanilang tita.

“Yung aunt ko chismosa lang”

“yung aunt ko, nakikipag-agawan lang ng lupa”

“Yung aunt ko nangungumusta lang pag may kailangan”

The post Boses sa likod ng iconic MTRCB spiel nakilala na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/boses-sa-likod-ng-iconic-mtrcb-spiel-nakilala-na/)

Walang komento