Recent Posts

Breaking News

Bonnie Tan: Abando, Paraiso, Bataller malaking tulong sa Letran

RP

Pormal nang tinanggap ng Letran community sa kanilang unibersidad ang tatlong dating tigre na ngayon ay nasa kampo nang mga knights.

Binahagi ni Letran coach Bonnie Tan ang larawan kung saan kasama niya sina Rhenz Abando, Brent Paraiso, at Ira Bataller, gayundin si Letran special assistant to the rector for sports development Alfrancis Chua.

Saad ni Tan, hindi nila mahayaan ni Chua, na dating nag-aral sa UST, na pabayaan ang tatlong manlalaro kaya’t kaagad nila itong winelcome sa kanilang poder.

“Being Thomasians, coach Alfrancis Chua and I did not turn a blind eye when these three young players were knocking and asking if Letran could be their new home,” ayon sa Letran tactician. “After all, Letran and UST are sister schools.”

“We definitely can’t wait to work with them once we can return to the gym. But for now, we will guide them to becoming true Letranistas,” aniya pa.

Makakasama ng tatlong ex-Tigers sina Larry Muyang at Fran Yu, na naging parte ng NCAA Season 95 championship team.

The post Bonnie Tan: Abando, Paraiso, Bataller malaking tulong sa Letran first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bonnie-tan-abando-paraiso-bataller-malaking-tulong-sa-letran/)

Walang komento