Recent Posts

Breaking News

Bong Revilla gumaling na sa COVID-19

Tapos na ang isang buwang quarantine ni Senador Ramon Revilla Jr. na nagpositibo sa COVID-19 noong Agosto.

Sa kanyang Facebook post noong Huwebes, inihayag ni Revilla na pinayuhan siya ng kanyang doktor na maaari na siyang lumabas ng kanyang isolation room.

“My quarantine is done,” pahayag ni Revilla.

“After over a month, I can finally be with my family na walang pangamba whatsoever,” dagdag pa nito.

Sa hiwalay nitong post, sinabi ni Revilla nakapag-dinner na siya kasama ang kanyang pamilya matapos ang ilang linggong self-isolation.

“Finally got to eat dinner with my family tonight after weeks of self-isolation. Salamat po sa lahat ng inyong malasakit at suporta para sa aking paggaling,” ayon sa senador.

Nagpasalamat din ito sa mga nagdasal para sa kanyang mabilisan na paggaling.

Nagpasalasmat din ang asawa nitong si Bacoor City Mayor Lani Mercado nakasama na nila ang kanyang asawa matapos ang laban sa virus.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga sumama sa aming magdasal para sa kanyang paggaling,” sabi ni mayora.

Inihayag ni Revilla na nagposotibo siya sa coronavirus noong Agosto 9. Siya an gang ikaapat na senador na nagpositibo sa virus.

Ang iba pa ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Senators Sonny Angara at Senador Aquilino “Koko” Pimentel Jr., na pawang nakarekober na rin sa COVID-19.

The post Bong Revilla gumaling na sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-revilla-gumaling-na-sa-covid-19/)

Walang komento