Recent Posts

Breaking News

Bomba natagpuan sa Jolo blast site

Nadiskubre ng awtoridad ang mga pampasabog sa Jolo town, Sulu kagabi, halos 1 buwan matapos ang magkasunod na pagsabog na nangyari sa parehong lugar na pumatay ng 15 katao.

Ayon sa military, habang nagpapatrolya sa sa Jolo Pier kagabi, Setyembre 19, ay natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2 electric blasting caps, rifle grenade, spark plug, at concrete nails.

Ito’y matapos umupo ang bomb-sniffing dog sa tabi ng inabandonang “kahina-hinalang” bagay, na nakalagay umano sa pagitan ng Harbor Master at ng Maritime Police Office.

Pumunta sa lugar ang explosive ordnance disposal teams ng Sulu Provincial Police at Jolo Municipal Police at nakumpirmang mga pampasabog nga ang mga nadiskubreng bagay.

Samantala, nagpasalamat naman si Major Gen. Corleto Vinluan ng Western Mindanao Command sa mga tauhan ng PCG na natagpuan ang mga pampasabog na agad na dinisarmahan at tinapon.

Dalawang pagsabog ang gumulantang sa town proper ng Jolo noong Agosto 24 na kumitil ng mga sundalo, sibilyan at mga hinihinalang suspek. May 78 iba pang nasugatan din sa insidente.

The post Bomba natagpuan sa Jolo blast site first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bomba-natagpuan-sa-jolo-blast-site/)

Walang komento