Recent Posts

Breaking News

Bishop Pabillo tinuligsa ang Kaliwa Dam project

“Mananahimik ba tayo sa paggawa ng Kaliwa Dam sa Quezon province na papatay sa ilang daang ektaryang gubat?”

Ito ang tanong ni Manila Archdiocese apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo sa kanyang healing mass sa Veritas kaninang Linggo ng umaga.

Sa kanyang homily, pinaliwanag ng obispo kung bakit mali aniya ang ginagawang China-led construction project na Kaliwa Dam–na layong dagdagan ang suplay ng tubig sa Metro Manila bukod sa Angat Dam.

“Coal energy is a big lie. Mananahimik ba tayo sa paggawa ng Kaliwa Dam sa Quezon province na papatay sa ilang daang ektaryang gubat? Sisira sa biodiversity ng Sierra Madre? Lalamunin ang ancestral domain ng mga katutubo doon na may mga alternative water sources naman na hindi gaano magastos at hindi destructive?,” ani Pabillo, Setyembre 6.

Kinontra rin ng obispo ang large-scale mining, at sinabing hindi totoong umuunlad ang taumbayan dahil dito.

“Do we keep silent when our mountains are being stripped because of large-scale mining? The promise of prosperity due to mining is a myth!”

“Look at the places that have been heavenly mined, like Benguet, Rapu-Rapu of Bicol, Marinduque, Surigao just to name a few. Where is the development there? They are made poorer because of mining,” saad niya pa.

Hinikayat din ni Pabillo ang mga Katoliko, at lahat ng “mga nagmamahal sa bansa” na magsalita laban sa mga “katiwaliang nangyayari sa bayan”.

“Tayo ay bantay ng bayan. Alam natin ang nangyayari sa bayan, at punahin natin ang mga katiwaliang nangyayari dito,” bigkas ng obispo.

“Silence is not an option. This is true for the Church. This is true for everyone who loves–loves nature, loves the country, loves the poor, and the next generations,” aniya pa.

Sinabi ito ni Pabillo ilang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang pag-apruba sa mga water resource project para sa panahon ng tagtuyot.

Kabilang ang Kaliwa Dam sa mga nasabing priority project. Itatayo ito gamit ang pondo at construction firm na parehong mula China.

The post Bishop Pabillo tinuligsa ang Kaliwa Dam project first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bishop-pabillo-tinuligsa-ang-kaliwa-dam-project/)

Walang komento