Recent Posts

Breaking News

Binigay na parang candy: Bar topnotcher pumalag sa pardon kay Pemberton

Kabilang sa hindi natuwa sa pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon kay convicted murderer US Marine Joseph Scott Pemberton ang topnotcher noong 2019 Bar examinations na si Atty. Mae Diane Azores.

Isinalarawan ni Azores na parang pagbibigay lang ng candy ang pagkakaloob ng pardon kay Pemberton, na nahatulan ng sampung taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

“We live in a country where absolute pardon is given like candy to convicted foreigner murderers. This is truly disheartening #JusticeForJenniferLaude,” tweet ni Azores, September 7.

(IS)

The post Binigay na parang candy: Bar topnotcher pumalag sa pardon kay Pemberton first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binigay-na-parang-candy-bar-topnotcher-pumalag-sa-pardon-kay-pemberton/)

Walang komento