Recent Posts

Breaking News

Biglang umalis sa bubble! Kelly Williams nag-AWOL sa TNT

Para sa TNT Katropa, hindi retirement kundi AWOL (absence without leave) ang ginawa ni Kelly Williams matapos nitong biglaang na lang umanong umalis sa ensayo ng koponan at ianunsyo ang kanyang pagreretiro sa PBA.

Ayon kay TNT team manager Gabby Cui, hindi umano nagpaalam si Williams sa management tungkol sa kanyang pagreretiro, lalo pa’t kaka-extend lang ng kontrata nito hanggang katapusan ng 2020.

Saad pa ng opisyal, September 2 ng umalis si Williams sa kanilang bubble training sa Laguna, at simula noon ay hindi pa umano sila kinakausap ng manlalaro.

“Kelly Williams left our training camp without any notice or explanation until now. He has not reached out to us ever since. We learned about his decision to retire via social media,” ayon kay Cui.

“We are currently waiting for his notice to explain regarding his actions on going AWOL,” aniya pa.

Nang mataning si Williams sa The Ultimate Fan Hub podcast sa kanyang pagreretiro, hindi nito klarong sinabi kung ano ang dahilan ng kanyang pag-alis sa PBA at TNT, kung saan nagwagi siya ng limang kampeonato.

“Some things are out of your control, and there’s a lot of things and intricacies within the business that sometimes you just got to deal with the best way you can. So I think that weighed a lot on my decision,” ayon kay ‘Machine Gun Kelly’.

The post Biglang umalis sa bubble! Kelly Williams nag-AWOL sa TNT first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/biglang-umalis-sa-bubble-kelly-williams-nag-awol-sa-tnt/)

Walang komento