Recent Posts

Breaking News

‘Big brothers’ ng gobyerno mag-iikot para sa COVID response

Mag-iikot sa loob ng linggong ito ang mga miyembro ng Gabinete para alamin ang pangangailangan ng mga bayan at lungsod na itinoka sa kanila kaugnay sa problema sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may kanya-kanyang schedule ang mga big brother para bisitahin ang mga lugar na iniatang sa kanila.

Sa Sabado pa aniya siya bibisita sa Pasay City na siyang itinoka sa kanya para alamin kung ano ang mga puwedeng itulong ng national government sa paglaban sa COVID-19.

Si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon aniya ay naka-schedule ngayong Miyerkules sa Makati City para kausapin ang mga opisyal ng lungsod.

“Kami po ang magsisilbing tulay para maibigay kung ano ang pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan dito sa Metro Manila,” ani Roque.

Nais lamang aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis ang pagbibigay -tulong sa mga lungsod o bayan na mataas ang problema sa COVID-19.

The post ‘Big brothers’ ng gobyerno mag-iikot para sa COVID response first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/big-brothers-ng-gobyerno-mag-iikot-para-sa-covid-response/)

Walang komento