Recent Posts

Breaking News

Ben&Ben may napili nang fandom name

riley cea

Naresolba na ng Pinoy band Ben&Ben ang isyu kaugnay sa napili nilang opisyal na tawag sa kanilang mga fan.

Una nilang napili ang “LIGHTs,” ngunit mariin itong tinutulan sa Twitterverse dahil ito na ang fandom name ng South Korean boy band HIGHLIGHT.

Kaya naman binago ng banda ang pangalan at ginawang “Liwanag”.

“We have heard your suggestions. We want to honor our Filipino heritage,” sabi ng Ben&Ben.

“Higit sa lahat, kayo ang Liwanag namin (emoji: dilaw na puso),” anila pa.

Naglabas din sila ng official fandom account at pahayag ukol sa nangyaring pagtatalo kahapon.

“Yesterday was a difficult day for all of us. Possibly however, like how all challenges are, it was meant to bring us closer and make us understand what our purpose really is, beginning with a shared struggle to find our name,” ayon sa banda.

“As a fandom, this was our first big challenge together. It was truly inspiring to see everyone illuminate this fandom by being there for each other and for the band.”

“From our archipelago, brightness will emanate. For one more time, we welcome all of you with a fandom name defined by ALL of us:
Welcome, Liwanag!,” dagdag ng grupo.

Ngayong alas-kwatro ng hapon, Setyembre 4, nangunguna sa Twitter PH trends ang hashtag #BenAndBenLiwanagFandom na may higit 7,200 tweets.

The post Ben&Ben may napili nang fandom name first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benben-may-napili-nang-fandom-name/)

Walang komento