Recent Posts

Breaking News

Bello: Mga nurse sa private hospital taasan din sweldo

Dapat ding tutukan ng gobyerno ang mga nurse at medical worker sa pribadong sektor para mataasan din ang kanilang sahod.

Ayon ‘yan kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na dama ang hirap ng mga nurse sa kakarampot nilang sahod, kaya’t nais magkaroon ng salary adjustment para sa mga private nurse katulad ng mga healthcare worker na nagtatrabaho para sa mga pampublikong ospital.

“Ang mahal maging nurse. Ang hirap maging nurse tapos susuweldo ka lang ng P10,000 . . . If I will be asked, I will strongly recommend na ipataas,” lahad ni Bello.

Sa ngayon ay tinaas sa salary grade 15 ang sweldo sa mga government nurse, na nagkakahalaga ng P32,000 para sa minimum, iba umano ito sa mga nasa pribadong ospital na P5,000 hanggang P10,000 lang ang nakukuha kada buwan, ayon sa Filipino Nurses United.

Minungkahi din ni Bello ang pagkakaroon ng P500 hazard pay para sa mga private hospital nurse, at pinatitigil din ang contractual agreement para sa mga ito.

“The services of the nurses are very essential and should not be allowed to outsource. Dapat regular employees ‘yan,” giit ng kalihim.

The post Bello: Mga nurse sa private hospital taasan din sweldo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bello-mga-nurse-sa-private-hospital-taasan-din-sweldo/)

Walang komento