Recent Posts

Breaking News

Bayanihan 2 posibleng mapirmahan sa kalagitnaan ng Setyembre

Maaaring sa susunod na linggo mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2 .

Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa harap ng pag-aabang ng publiko sa magiging aksiyon ng Pangulo sa enrolled bill.

Ayon kay Panelo, nirerepaso pa ang Bayanihan 2 dahil nais makasiguro ni Pangulong Duterte na hindi magkakaroon ng problema sa sandaling ipatupad ang mga probisyon nito.

“Ang pagkakaalam natin ay baka middle of September. Nirerepaso pa ni Presidente,” ani Panelo.

Nakapaloob sa Bayanihan 2 ang stimulus package ng gobyerno para makabangon ang bansa at ang ekonomiya mula sa pagkalugmok dahil sa matinding epekto ng COVID pandemic sa bansa.

Kasama rin sa Bayanihan 2 ang mga hakbang at plano ng gobyerno para matulungan ang mga Pilipino partikular ang mga mahihirap na sektor na nawalan ng trabaho at mapagkakakitaan dahil sa pagsasara ng mga kompanya sa panahon ng pandemic. (Aileen Taliping)

The post Bayanihan 2 posibleng mapirmahan sa kalagitnaan ng Setyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayanihan-2-posibleng-mapirmahan-sa-kalagitnaan-ng-setyembre/)

Walang komento