Recent Posts

Breaking News

Bawal mataba sa Red Lions

Tamang kalayaan, sapat na disiplina.

Ganyan ang ipinatutupad na sistema ni San Beda Red Lions head coach Boyet Fernandez sa kanyang mga atleta.

“Binigyan na lang namin sila ng programa for skills development and individual skills development tapos meron din silang weight program,” kwento ni San Beda head coach Boyet sa panayam ng Abante/Tonite Sports.

Hindi nito hinihigpitan ang kanyang mga bata basta ang importante aniya ay manatili silang fit.

“We give the freedom kung kailan nila gagawin, basta we expect them na kapag nagkita kami hindi sila masyadong mataba,” giit ni coach Boyet.

Taliwas sa ibang eskuwelahan na nakaladkad sa patagong training, tahimik lang at sumusunod sa tamang patakaran ang SBU Red Lions.

“As of now, siyempre matagal na kaming hindi nagkikita, binigyan ko sila ng accountability, siyempre they have to be responsible enough for what they are doing, hindi puwedeng tutukan mo nang tutukan palagi hindi ba? Para naman kasing bini-baby,” dagdag pa nito.

The post Bawal mataba sa Red Lions first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawal-mataba-sa-red-lions/)

Walang komento