Recent Posts

Breaking News

Batangas fire marshall: ‘Di party, despedida lang

Ginigisa ngayon ang dating fire marshall ng Batangas City matapos kumalat ang larawan ng kanyang “despedida” kung saan lumabag siya at ang ibang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa quarantine protocol habang may pandemyang COVID-19.

Nag-send ang isang anonymous e-mail address sa ilang reporter at media outlet ng mga larawan ng nasabing pagtitipon para kay Chief Insp. Elaine Evangelista na kamakailan lang ay tinalaga bilang bagong hepe ng Biñan, Laguna fire station.

Makikita sa mga larawan na walang suot na face mask ang mga participant at hindi inoobserba ang physical distancing.

Napaulat din ang isang video sa parehong event kung saan sumasayaw naman ang mga tauhan ng Batangas City fire station nang walang face mask.

Paglilinaw naman ni Evangelista, sa panayam sa Inquirer, na hindi party kundi “despedida” ang nangyari.

Sinunod din aniya nila lahat ng minimum health standard at nanghingi sila ng permiso mula sa city government hinggil sa maliit na get-together.

Nagnegatibo rin daw sa COVID-19 lahat ng mga dumalo sa pagtitipon.

Nakasailalim ang Batangas sa general community quarantine, kung saan pinagbabawal ang mass gathering gaya ng non-essential work gathering.

The post Batangas fire marshall: 'Di party, despedida lang first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batangas-fire-marshall-di-party-despedida-lang/)

Walang komento