Recent Posts

Breaking News

‘Basura ng Pinoy makakapuno ng higit 23K swimming pool’

Tinatayang makakaprodyus ang bansa ng 16.6 milyong metric tons (MT) ng basura sa katapusan ng taong 2020.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, ang ganitong dami ay kayang mapuno ang mahigit sa 23,000 Olympic-size swimming pool.

Pwede rin aniyang mapuno nito ang 99 na Philippine Arena, ang isa sa mga pinakamalaking indoor arena sa ‘Pinas.

Dagdag ng senador, kada Pinoy ay kayang maglabas ng 0.414 kilo ng kalat kada araw.

“This means that the average Filipino adult produces between two to three times their own body weight in trash over the course of a single year,” aniya pa.

Matatandaang lumabas sa datos ng Statista na ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang responsable sa pinakamaraming plastic na basura na naitatapon sa buong mundo.

The post 'Basura ng Pinoy makakapuno ng higit 23K swimming pool' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/basura-ng-pinoy-makakapuno-ng-higit-23k-swimming-pool/)

Walang komento