Recent Posts

Breaking News

Balyahan ang gusto ni Abando sa NCAA

Hindi maiiwasan ang balyahan at pisikalan sa basketbol, pero ito ang nagustuhan ni Rhenz Joseph Abando sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) kaya tumawid ng Letran Knights mula sa Sto. Tomas Growling Tigers ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

“Mas okay ako sa Letran kasi all-Pilipino. Nakikita ko kasi sa NCAA, talagang balyahan. Pure talent talaga doon kaya laban lang,” ayon nitong Miyerkoles sa La Union native at 6-foot-6 shooting guard, na kasamang lumipat sina Brent Paraiso at Ira Bataller sa naturang pamantasan.

Ugat ang hakbang tatlo sa ‘Sorsogon bubble’ nang nagbitiw na Tigers coach at pinatawan ng UAAP na indefinite ban na si Aldin Ayo.

Ipinangako ni Abandon a tutulungan niya ang Intramuros-based squad sa men’s title-retention bid sa 96th NCAA 2020-21.

“Promise ko lang na gagawin ko ang lahat tulad sa UST. Kung kaya ko higitan, gagawin ko lahat ng makakaya ko hanggang dulo,” panapos niyang sambit.

The post Balyahan ang gusto ni Abando sa NCAA first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/balyahan-ang-gusto-ni-abando-sa-ncaa/)

Walang komento