Recent Posts

Breaking News

Balik-operasyon ng computer shop sa NCR depende sa mayor

Ang magdedesisyon kung pahihintulutan na o hindi ang muling pagbubukas ng mga computer shop sa National Capital Region ay ang kanya-kanyang alkalde sa lugar.

Ayon ito sa Department of Trade and Industry ngayong araw.

“Pagdating sa internet café ipapaubaya na natin sa ating Metro Manila mayors as to yung timing, kung kailan sila pwedeng magbukas nito at kung saan pwede mabuksan o ma-i-allow itong mga internet café,” ani DTI Secretary Ramon Lopez sa ABS-CBN’s Teleradyo, Setyembre 1.

“Ang Metro Manila mayors, tutulong din sa pag-specify ng health protocol standards para mas maging safe ang pagbubukas natin ng mga gym at internet shops,” aniya pa.

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NCR sa general community quarantine (GCQ) status hanggang Setyembre 30.

The post Balik-operasyon ng computer shop sa NCR depende sa mayor first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/balik-operasyon-ng-computer-shop-sa-ncr-depende-sa-mayor/)

Walang komento