Recent Posts

Breaking News

Balasahan na lang! Gierran ayaw mabuwag ang PhilHealth

Para sa bagong hepe ng Philippine Health Insurance Corporation, hindi magandang ideya na tanggalin ang ahensiya.

Kapag natuloy ito, posible aniyang mahirapan lang ang mga Pinoy na umaasa sa state health insurer para sa kanilang healthcare.

“Palagay ko it’s not good. It’s counterproductive to the Filipino people,” wika nii Gierran sa CNN Philippines ngayong Linggo.

“What will become of that (Universal Health Care) law if the President abolishes the PhilHealth? Saan pupunta ang mga tao natin? Wala na bang insurance corporation na in charge po doon sa ‘pag may kababayan tayo na nagkakasakit? Ang PhilHealth lang po,” aniya pa.

Matatandaang sinabi ni Senate President Tito Sotto na kinukunsidera ni Presidente Rodrigo Duterte na alisin na ang PhilHealth kapag pumalya ang bagong hepe nito na tanggalin ang umano’y malawakang katiwalian doon sa katapusan ng taon.

Kumasa naman sa hamon si Gierran at sinabing ang una niyang proyekto’y ang “napakalawak” na balasahan sa nasabing ahensiya.

“Ang corruption naman it’s not machine-driven eh, it’s driven by people,” ayon pa sa retiradong direktor ng National Bureau of Investigation.

The post Balasahan na lang! Gierran ayaw mabuwag ang PhilHealth first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/balasahan-na-lang-gierran-ayaw-mabuwag-ang-philhealth/)

Walang komento