Recent Posts

Breaking News

Bakuna vs. tigdas, polio nationwide sa Oktubre na

RILEY CEA

Sa susunod na buwan ay magsasagawa ng pagbabakuna kontra tigdas at polio ang Department of Health (DOH) sa mga bata sa buong bansa.

Sa isang pahayag kahapon, Setyembre 17, sinabing magsisimula ang supplemental immunization campaign sa Oktubre 26, 2020.

Isa ang measles o tigdas sa mga pinakanakahahawang sakit sa buong mundo. Kapag hindi nabakunahan, hanggang 9 o 10 katao na na-expose sa measles virus ang mahahawa sa sakit.

Sa Pilipinas, may nasa 2.4 milyong bata na edad 4 pababa ang posibleng makapitan ng tigdas.

Ang DOH ay suportado ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa naturang immunization campaign.

The post Bakuna vs. tigdas, polio nationwide sa Oktubre na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-vs-tigdas-polio-nationwide-sa-oktubre-na/)

Walang komento