Recent Posts

Breaking News

Bagong entry sa CAVITEx bubuksan

Ayon sa Cavite Infrastructure Corp., magbubukas sila ng alternative entry papasok sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEx) sa susunod na linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ng CIC na ang Pacific Drive entry sa CAVITEx ay bubuksan sa mga motorista simula Lunes, Setyembre 14, 2020.

Dito’y makapapasok ang mga motorista sa CAVITEx via D. Macapagal Boulevard.

Inaasahan nitong silbihan ang hanggang 90,000 sasakyan kada araw.

Ang pagbubukas ng Pacific Drive entry ay dagdag sa Roxas Boulevard entry at bahagi umano ng enhancement projects sa 14-kilometrong expressway.

The post Bagong entry sa CAVITEx bubuksan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-entry-sa-cavitex-bubuksan/)

Walang komento