Recent Posts

Breaking News

Bagong emergency power ni Duterte babarahin sa Senado – Drilon

Kinontra ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukala ng mga kaalyado ng administrasyon sa Kamara na pagkalooban ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para ireporma at ire-organize ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“There is no use for emergency powers. We will oppose it in the Senate. The President can reform and reorganize PhilHealth without emergency powers from Congress,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

Ayon kay Drilon, maraming kapangyarihan na nakapaloob sa ilalim ng Konstitusyon ang ibinibigay para sa pangulo pa maresilba ang korapsyon sa Philippine.

“He appoints the members of the Board. He can file administrative and criminal cases against erring and corrupt officials. He can order the suspension or transfer of personnel in the entire executive,” ani Drilon.

Binanggit ni Drilon ang batas na kanyang ginawa, ang GOCC Governance Act oo Republic Act 10149, kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang pangulo, sa pamamagitan ng Governance Council for GOCCs (GCG), para ireporma ang mga GOCC.

“Congress has already delegated to the President, by virtue of RA 10149, the power to reorganize PhilHealth,” sabi ni Drilon.

Paliwanag pa nito sa ilalim ng RA 10149, ang reorganization, merger o pag-streamline ng GOCC tulad ng PhilHealth ay maaring ipatipad. Puwede rin aniyang buwagin o isapribado ang GOCC na hindi dadaan sa Kongreso.

“Section 5 (a) of the GOCC law provides that the Governance Council for GOCCs (GCG) has the power to “evaluate the performance and determine the relevance of the GOCC, to ascertain whether such GOCC should be reorganized, merged, streamlined, abolished or privatized,” sabi ni Drilon.

“It may also recommend to the President the abolition or privatization of the GOCC, and upon the approval of the President, implement such abolition or privatization,” sambit pa nito.

The post Bagong emergency power ni Duterte babarahin sa Senado - Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-emergency-power-ni-duterte-babarahin-sa-senado-drilon/)

Walang komento