Recent Posts

Breaking News

Bago namatay, Lloyd positibo sa COVID

Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw ang sikat na vlogger na si Lloyd Cadena, at hanggang ngayon ay maraming Pilipino pa rin ang labis na nalulungkot.

Pero mas lalong nadurog ang puso ng marami nang kumpirmahin ng pamilya ni Lloyd na nahawa si Lloyd sa COVID-19 bago ito sumakabilang-buhay.

Sa mga naunang balita, ang alam ng karamihan ay cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Lloyd, ngunit nitong Linggo ng gabi ay kinumpirma sa pamamagitan ng official Facebook page ng vlogger na siya ay tinamaan ng virus.

“Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3,” sabi sa FB post ng pamilya ni Kween LC.
“As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves. His vitals were okay and had no complaints,” dagdag pa nila.

Ngunit pagsapit daw ng September 4, 5AM, wala nang tugon si Lloyd at maputla.

Sinunog na raw ang katawan ng vlogger nitong Sabado at pansamantalang nasa bahay nila sa Cavite ang labi ni Lloyd.

The post Bago namatay, Lloyd positibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bago-namatay-lloyd-positibo-sa-covid/)

Walang komento