Recent Posts

Breaking News

Ayo umamin sa kasalanan, humingi ng kapatawaran

Inamin nang nagbitiw na coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers na si Aldin Ayo Biyernes ng gabi ang kasalanan sa pagdaraos ng men’s basketball ‘bubble training’ sa bayan niyang Casuy, Sorsogon at humingi ng tawad sa paaralan.

“I deeply apologize to all those who have been adversely affected by our activity and unnecessarily exposed to much condemnation especially the University. I take responsibility for my actions and shall face the appropriate sanctions,” bulalas ng 42-year-old tactician.

Ang hakbang niya’y nagpawasak sa team na naghahanda sa nalalapit na 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21. Naglayasa ang ilang manlalaro sa pangunguna ni Crispin John Cansino na tuwid ng ibang pamantasa, ang iba’y sa karibal na liga – 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2020-21.

Taong 2018 nang manduhan ni Ayo ang EspaƱa-based squad na naihatid niya sa Finals noong isang taon.

Huwebes ng gabi nang sa puwesto si Ayo, na pinasalamat din ang Uste, ang kasagsagang iniimbestigahan ng Joint Administrative Order Sports group at UAAP para sa sanction, pati na rin kanya.

The post Ayo umamin sa kasalanan, humingi ng kapatawaran first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ayo-umamin-sa-kasalanan-humingi-ng-kapatawaran/)

Walang komento