Recent Posts

Breaking News

Antetokounmpo in-unfollow lahat ng Bucks teammate sa IG

Lumalakas ang kontrobersiya na baka umalis si MVP Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee Bucks.

Ito’y matapos niyang i-unfollow lahat ng kanyang mga teammate sa Instagram.

In-unfollow din ni Antetokounmpo ang official Instagram page ng Bucks.

Sa ngayon, walo katao na lang ang fina-follow niya sa IG, kabilang ang tatlo niyang kapatid.

Matatandaang giniit kamakailan ni Antetokounmpo, 25, na hindi siya aalis sa Milwaukee.

Pero dahil nasipa ang Bucks ng Miami Heat sa NBA playoffs second round, naglipana ang mga sabi-sabi na hindi na ito totoo.

Magiging unrestricted free agent na si Antetokounmpo, 25, pagkatapos ng 2020-21 season.

The post Antetokounmpo in-unfollow lahat ng Bucks teammate sa IG first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/antetokounmpo-in-unfollow-lahat-ng-bucks-teammate-sa-ig1/)

Walang komento