Recent Posts

Breaking News

Ama ni Lloyd Cadena humagulgol sa vlog

Napuno ng emosyon ang vlog ng tatay ng content creator na si Lloyd Cadena kasunod ng pagpanaw ng huli nitong Biyernes.

Sa Youtube channel ng ama ni Lloyd na si Jun ‘Khalid’ Cadena, humingi ito ng paumanhin sa kanyang anak dahil hindi man lang sila nagkita bago ito mamaalam.

Si Jun ay isang overseas Filipino worker na nakadestino sa Middle East.

Hindi nito napigilang lumuha habang nilalahad kung papaano niya nalaman na pumanaw na ang internet sensation.

“I lost my son Lloyd Cafe Cadena. I was shocked. When I was on duty, my daughter called me around 9 in the morning. She told me, ‘Papa, wala na si Lloyd.’ Napakasakit. Ang hirap tanggapin,” saad ni Jun.

“Parang nawalan ako ng lakas nung sinabi ng anak ko sa Dubai, ‘Papa wala na si Lloyd.’ Nagulat ako na hindi ko maintindihan. Maybe two to three minutes or more, tulala ako,” aniya pa.

Nakiusap naman si Jun na irespeto ang kanilang privacy at huwag nang alamin pa kung ano ang kinamatay ng kanyang anak.

Si Lloyd ay isa sa pinakaunang vlogger sa ‘Pinas, na may lampas 8 million follower sa kanyang dalawang Youtube channel.

 

The post Ama ni Lloyd Cadena humagulgol sa vlog first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ama-ni-lloyd-cadena-humagulgol-sa-vlog/)

Walang komento