Recent Posts

Breaking News

Aldin Ayo lumayas na sa UST

RP

Matapos masangkot sa ilang kontrobersya, pormal nang nagbitiw sa puwesto bilang head coach ng UST Growling Tigers si Aldin Ayo.

Kinumpirma ito mismo ni Ayo, na pinili mag-resign kasunod ng gumulong na imbestigasyon dahil sa pag-ensayo ng kanyang bataan sa kabila ng quarantine protocol na pinagbabawal pa ang training lalo para sa mga non-pro athlete.

“I deeply apologize to all those who have been adversely affected by our activity and unnecessarily exposed to much condemnation especially the University,” parte ng pahayag ni Ayo. “I take responsibility for my actions and shall face the appropriate sanctions.”

Naging sentro ng atensyon pa si Ayo dahil sa Sorsogon ginawa ang training, na hometown din ng naturang tactician.

Nagrekumenda na ang UAAP Board of Managing Directors sa Board of Trustees (BOT) ng parusa para kay Ayo, ngunit hindi pa ito nilalahad sa publiko.

Ilan sa mga umalis sa UST maliban kay Ayo ay sina CJ Cansino, Rhenz Abando, Brent Paraiso at Ira Bataller.

Si Cansino ay tinanggal umano sa koponan matapos na hindi magkaintindihan kaugnay sa naging bubble training, habang si Paraiso naman ay mas piniling lumisan dahil sa posibleng ipataw na suspensyon sa buong UST team sa kanyang huling playing year.

The post Aldin Ayo lumayas na sa UST first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aldin-ayo-lumayas-na-sa-ust/)

Walang komento