Recent Posts

Breaking News

Akbayan: Tiyak ang sakit ng ulo kay Gierran

Nagkomento si Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales sa pagkahirang kay dating NBI director Dante Gierran bilang bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“Zero health experience pero PhilHealth chief? Para kang kumuha ng driver na hindi marunong magmaneho,” sabi ni Rosales, Setyembre 2.

“Tiyak ang disgrasya at sakit ng ulo,” aniya pa.

Matatandaang inamin ni Gierran na wala itong paunang kaalaman ni karanasan pagdating sa public health, kahit ang pamumunuan nito ay ang state-run health insurer.

“I’m scared because I don’t know the operations of PhilHealth. Unlike NBI, I knew the operations of NBI. … I do not know about public health. I don’t have experience about public health. What I know about is financial management, having been a certified public accountant, and insurance,” aniya pa.

Pinalitan ni Gierran si Ricardo Morales, na sa abiso ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nag-resign dahil sa medikal na kondisyon nito.

The post Akbayan: Tiyak ang sakit ng ulo kay Gierran first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/akbayan-tiyak-ang-sakit-ng-ulo-kay-gierran/)

Walang komento