Recent Posts

Breaking News

Abando sabay ang ayaw sa UST, UAAP

Ngayong opisyal nang manlalaro si dating Sto. Tomas Growling Tiger Rhenz Joseph Abando sa Letran Knights, siniwalat niyang mas bet na niyang maglaro sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) kaysa sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ayon nitong Miyerkoles sa 6-foot-2 shooting guard, malilito siya kung ibang UAAP school lang at dumating ang pagkakataong makatapat ang ang EspaƱa-based squad.

“Ayoko rin mag-UAAP kasi pag-UAAP, makakalaban ko ang UST. Baka pag nag-chant ng ‘Go USTe!,’ baka bigla ko depensahan yung mga kakampi ko na kalaban ng UST. Ayoko talaga makalaban ang UST,” pahayag ng La Union cager.

Mas magiging makabuluhan din aniya ang kanyang college basketball career kung sa NCAA siya magbubuhos ng talento dahil mas pisikalan at balyahan sa liga oldest collegiate league.

“Mas okay ako sa Letran kasi all-Pilipino. Nakikita ko kasi sa NCAA, talagang balyahan. Pure talent talaga doon kaya laban lang,” wakas ni Abando.

Ugat ang pagtawid niya sa Intramuros ng ‘Sorsogon Bubble’ ng USTe na pakana nang nagbitiw na coach na si Aldin Ayo. (Aivan Denzel Episcope)

The post Abando sabay ang ayaw sa UST, UAAP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abando-sabay-ang-ayaw-sa-ust-uaap/)

Walang komento