Recent Posts

Breaking News

91K senior citizen nanganganib pensyon

Mahigit 91,000 na waitlisted senior citizen ang posibleng hindi makatanggap ng kanilang pension sa susunod na taon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Glenda Relova, ito’y matapos nilang tapyasan ng P800 milyon ang P24 bilyong hirit nilang pondo para sa may 3.7 milyong mahihirap na senior citizen.

“Ang epekto po nito, ang hindi pagkakabigay ng budget na ito is mayroon po tayong mga waitlisted na around 91,000 na senior citizens na naghihintay mabigyan po ng grant. Kung hindi po maibibigay sa amin itong P800 million, hindi po namin sila maisasali para po sa 2021,” paliwanag ni Relova sa ulat sa telebisyon.

Pinasisiyasat naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Kongreso kung bakit kailangan pang maghintay ang matatanda para mabigyan ng pensyon.

“Dapat siguro tingnang ito maigi ng Kongreso. Bakit kailangan pa magpa-waitlisted ang mga senior citizens natin or elderly people? Alam naman po nating limitado na ‘yong panahon nila dito sa mundo, lalo na ‘yong mga mahihirap tapos naka-waitlisted. Samantala, mayroong maraming pondo diyan na puwedeng ma-realign para sa kapakinabangan ng ating mga elderly people,” giit ni Zarate.

The post 91K senior citizen nanganganib pensyon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/91k-senior-citizen-nanganganib-pensyon/)

Walang komento