Recent Posts

Breaking News

89 barangay captain suspendido sa anomalya sa SAP

Abot sa 89 na barangay chairman ang pinarusahan dahil sa anomalya sa pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga naturang kapitan ng barangay ay pinatawan ng anim na buwan na preventive suspension ayon sa desisyon ng Office of the Ombudsman.

Ito’y bilang aksyon sa naging reklamo ng Department of Interior and Local Government sa kuwestiyonableng opisyal.

“Naway magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” saad ni Año.

Sa order na nilabas ng Office of the Ombudsman noong September 2, sinabi na nakita sa mga record na malakas ang laban para sa mga kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority atConduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sa mga opisyal na puwedeng magpasibak sa kanila sa serbisyo.

Saad ni Año, namumuro ang Region I at II, kasama ang NCR sa mga barangay captain na nasuspende.

The post 89 barangay captain suspendido sa anomalya sa SAP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/89-barangay-captain-suspendido-sa-anomalya-sa-sap/)

Walang komento