Recent Posts

Breaking News

7 barangay sa Sta. Cruz, Laguna nasa ‘strict GCQ’

Sinailalim sa strict general community quarantine (GCQ) ang pitong barangay sa Sta. Cruz, Laguna.

Ginawa ng lokal na gobyerno ang hakbang dahil matulin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Magsasagawa ng mandatory swab testing ang LGU sa mga sumusunod na lugar:

– Bagumbayan
– Calios
– Duhat
– Pagsawitan
– Patimbao
– San Juan
– Santo Angel Central

Sa ngayon, may 167 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Sta. Cruz, Laguna. Kabilang dito ang 49 aktibong kaso.

Samantala, nakasailalim naman sa modified GCQ ang probinsya ng Laguna.

The post 7 barangay sa Sta. Cruz, Laguna nasa 'strict GCQ' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-barangay-sa-sta-cruz-laguna-nasa-strict-gcq/)

Walang komento