Recent Posts

Breaking News

500-bed na ospital tinatayo ni Ang

Nangakong magtatayo si Ramon Ang, pangulo ng San Miguel Corporation, sa Southern Luzon ng ospital na may 500 kama at tututok sa infectious disease research.

Ito aniya ay proyekto ng kanyang kabuuo pa lang na charitable group na RSA Foundation.

Itatayo nina Ang ang naturang pasilidad, sa isang 3 hanggang 5-ektaryang property, para aniya mapaghandaan ng Pilipinas ang mga darating pang pandemya ay krisis sa kalusugan

“This pandemic has been an eye-opener for all of us. Our healthcare system needs to be strengthened. For this reason, we want to help build up our country’s capability to handle future pandemics and other health crises,” wika ni Ang sa isang press statement kahapon.

“We envision this hospital to be resilient and adaptable. It will operate efficiently, improve health services, and make health care more accessible and affordable to a greater number of Filipinos,” dagdag niya pa.

Pagsisilbihan nitong itatayong ospital ang mga ambulatory o mga outpatient at inaasahang gumamot ng mas maraming pasyente mula sa bulnerableng komunidad.

Magkakaroon din doon ng research center na tutulong sa gobyerno tungkol sa public health concerns lalo na sa mga nakahahawang sakit.

Popondohan ni Ang ang ospital labas pa sa ibang charitable activity ng San Miguel Foundation.

The post 500-bed na ospital tinatayo ni Ang first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/500-bed-na-ospital-tinatayo-ni-ang/)

Walang komento