Recent Posts

Breaking News

5 tips para alagaan ang mental health mo

Bukod sa mga ito, mayroon ding nilunsad na hotline ang Department of Health kung kinakailangan ng agarang counseling o may mga katanungan tungkol sa mental health.  

Kaiba sa popular na pananaw, (Limang maling pananaw tungkol sa suicide) lahat tayo, apektado ng suicide at hindi lang ang mayayamang bansa. Ito rin ang ikalawang nangungunang dahilan sa pagkamatay ng mga taong edad 15 hanggang 29, ayon sa WHO.

 

Mental health ang tawag sa psychological at emosyonal na kalagayan ng tao. Naaapektuhan nito kung paano tayo nag-iisip, nakararamdam, o kumikilos.

Ilan sa mga mental illness na maaaring matamo ng mga tao ang anxiety, depression, schizophrenia, o iba pa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Enero, nasa 4% o 3.5 milyong Pinoy ang may mental health condition.

Para gunitain ang World Mental Health Day, narito ang ilang mungkahi para panatilihing maayos ang iyong mental health.

1. Isulat kung ano ang naiisip o nararamdaman

Magandang labasan ng hinanakit o pasasalamat ang journal, dahil hindi ka naman mahuhusgahan dito. Makatutulong din ito para maobserbahan mo ang mood o kilos mo sa anumang panahon.

2. Dapat malamig ang tulugan

Ayon sa Mental Health America (MHA) National, ang ideyal na temperatura ng silid-tulugan ay nasa 15.6 hanggang 19.4 Celsius. Mahalaga ang sapat na oras ng pagtulog para sa ating physical at mental health.

Para sa mga tip sa mas mahimbing na pagtulog, bisitahin ito: https://www.sleepfoundation.org/articles/healthy-sleep-tips .

3. Paligiran ang sarili ng mga mapagkakatiwalaang tao

Sabi ni marriage and family therapist David Klow sa Self, kailangan mo ng listahan ng mga taong makakausap mo kapag kailangan o nahihirapan ka sa buhay.

Mas malusog din ang mga taong may “support network” kaysa sa mga wala, ayon sa National Mental Health Association/National Council for Community Behavioral Healthcare.

4. Magpaaraw sa umaga

Napapabuti ng Vitamin D ang mood natin. Magpaaraw nang hindi bababa sa 15 minuto, ngunit dapat maglagay ng sunscreen.

5. Sumubok ng bago

Nakapagpapasigla ang pagbago ng ilang bagay sa iyong daily routine, o kaya naman ay tingnan sa positibong perspektibo ang mga nakasanayang gawain.

Makatutulong din ang pagsubok sa aktibidad na labas sa iyong comfort zone o nakapagdudulot ng excitement sa buhay mo.

Bukod sa mga ito, nayroon ding nilunsad na hotline ang Department of Health kung kinakailangan ng agarang counseling o may mga katanungan tungkol sa mental health.

Maaaring tawagan ang National Center for Mental Health Crisis Hotline sa 0917-899-8727 at 989-8727.

The post 5 tips para alagaan ang mental health mo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-tips-para-alagaan-ang-mental-health-mo/)

Walang komento