Recent Posts

Breaking News

5 Pinoy dokyu libreng mapanonood hanggang bukas

Gusto mo bang malaman ang katotohanan hinggil sa pinatupad na batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos?

May handog na limang documentary ang Daang Dokyu na mapanonood nang libre sa kanilang website hanggang bukas nang 11:59PM, Setyembre 21, 2020.

Pasok sa kanilang opening films ang ABS-CBN’s documentary na “Marcos: A Malignant Spirit” at ang “Imelda” ni Ramona Diaz.

Naroon din ang “Alunsina” ni Kiri Dalena, ang “Mendiola Massacre” ni Lito Tiongson, at ang “A Rustling of Leaves: Inside the Philippine Revolution” ni Nettie Wild.

Ang Daang Dokyu ay isang festival ng mga dokyumentaryong Pinoy.

Sabi ng isa sa mga festival director na si Jewel Maranan, napili nila ang Martial Law-themed opener “hindi lang para matandaan ang nakaraan kundi para magbigay-pahayag ukol sa kasalukuyan”.

“We think documentaries can help make up our minds about the lessons already learned, mistakes we shouldn’t repeat, and what we shouldn’t allow again to be done to us as a people,” aniya pa.

Upang mapanonood ang mga libreng dokyu, bisitahin lang ang link na daangdokyu.com/watchnow .

The post 5 Pinoy dokyu libreng mapanonood hanggang bukas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-pinoy-dokyu-libreng-mapanonood-hanggang-bukas/)

Walang komento