Recent Posts

Breaking News

45M Pinoy target maparehistro sa nat’l ID system sa 2021

Hangad ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maiparehistro ang 45 milyong Pilipino sa national ID system sa susunod na taon.

Sabi ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua ngayong araw, sa online hearing ng Senate Committee on Finance ukol sa panukalang 2021 budget ng NEDA at mga kalakip-ahensiya nito gaya ng PSA.

Kabilang aniya sa target na 45 milyong Pinoy ang natitirang 10 milyong mahihirap na pamilya na gusto nilang unahin para makapagbukas na ng bank account.

“And in 2022 would be to register the remaining 42 million five years old and above,” sabi pa ng NEDA chief.

Samantala, nasusunod aniya ang schedule ng PSA na maipre-register ang 9 milyong katao at maparehistro ang 5 milyong Pinoy mula sa low-income household sa katapusan ng kasalukuyang taon.

The post 45M Pinoy target maparehistro sa nat’l ID system sa 2021 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/45m-pinoy-target-maparehistro-sa-natl-id-system-sa-2021/)

Walang komento