Recent Posts

Breaking News

4 pelikulang Pinoy tampok sa 25th Busan Int’l Film Fest

Apat na pelikulang Pilipino ang napabilang sa 25th Busan International Film Festival (BIFF).

Gaganapin ang festival mula October 21 hanggang October 30, 2020 sa Busan, South Korea.

Tampok sa festival ang 192 pelikula mula sa 68 na bansa.

Ang mga pelikulang Pilipino na napasama sa A Window on Asian Cinema section ang “Cleaners” ni film director Karl Glenn Barit at Philippines-US movie na “Death of Nintendo” ng direktor na si Raya Martin.

Napili naman sa Asian Short Film Competition ang “How to Die Young in Manila” ni Petersen Vargas at “Kids on Fire” ni Kyle Nieva.

Nakaraang taon ay anim na pelikulang Pilipino ang bumandera sa festival: “Mindanao”, “Basurero”, “Verdict”, “The Halt”, “John Denver Trending” at “Lingua Franca”.

Ang Busan International Film Festival ay isa sa mga “most significant film festival” sa Asya at unang international film festival sa Korea.

Layunin nitong ipakilala sa mundo ang mga bagong pelikula at mga first-time director lalo na iyong mula sa mga Asian country.

The post 4 pelikulang Pinoy tampok sa 25th Busan Int’l Film Fest first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-pelikulang-pinoy-tampok-sa-25th-busan-intl-film-fest/)

Walang komento