Recent Posts

Breaking News

300 kilometro ng ‘jumper cable’ pinutol sa Iloilo

Umabot sa 300 kilometro ang haba ng tinanggal na illegal wiring sa Iloilo City sa ikinasang operasyon laban sa mga iligal na koneksyon ng kuryente sa lugar.

Ayon sa More Electric and Power Corporation sa ulat ng GMA, tinatayang may bigat na sampung tonelada ang pinutol na mga kable kapag pinagsama-sama.

Dagdag ng power utility, batay sa pag-aaral na ginawa ng engineering firm na MIESCOR Engineering Corp., posibleng mahigit 30,000 illegal power connection ang nasa lungsod.

Nakakadagdag umano ang bilang ng iligal na koneksyon ng kuryente sa mataas na systems loss na pinapasa naman ng power utility sa mga kostumer.

Sa ngayon ay nakapagsagawa na ang power utility ng mga anti-jumper raid sa 156 na barangay habang nasa 5,000 illegal jumper na ang nahuli.

The post 300 kilometro ng ‘jumper cable’ pinutol sa Iloilo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/300-kilometro-ng-jumper-cable-pinutol-sa-iloilo/)

Walang komento